Watawat
Kaylan ba natin matatamo ang kalayan?
Kapayapaan...Pagkakaisa tanging sigaw ng bayan. Isang pagbubuklod na hinahangad ng sinuman. Isang layunin na kung dumaan ay pahapyaw man lamang.
Bilang isa sa halos 98 na milyon na nasa pamamalakad ng Republika ng Pilipinas at isa rin sa hanay ng tinaguriang pag-asa ng bayan, masigasig kong binabantayan ang bawat pakikisama ng isang Pilipino sa kanyang kalahi.
Sariwa pa sa aking murang isipan nang isinalaysay ng aking lola na taga na sa panahon ang People Power na naganap sa EDSA. Isang sitwasyon kung saan nagbulud-buklod ang sambayanang Pilipino.
Noon ay ika-23 ng Agosto, malamig ang simoy ng hangin at ninais kong buksan ang aming telebisyon at tumambad sa akin ang balitang muli na namang nagpasiklab at nagpatikim ng Kaguluhan ang rebeldeng grupo na Moro National Liberation Front o (MNLF) sa Zamboanga.
Bang...bang...bang
Boom...boom...boom
Yan ang larawan ng Zamboanga sa kasalukuyan, may mga armadong pulis at sundalo na umiikot upang magpatrolya sa buong siyudad.
Ito na ba ang bagong Pilipinas?
Hindi ito ang tunay na Pilipinas. Di ito ang yunay na Kapayapaan na ating minimithi.
Bultu-bultong pamilya ang lumikas sa mga lugar na ligtas mula sa mga mapanganib na mga rebelde. Mga batang kumakalam ang sikmura na walang kamuwang-muwang sa pangyayari at lubusang naiipit sa away matanda. Ang mga bata ang nagdudusa. Di man lamang malaman kung mapupulbos ka at matatamaan ng bomba't bala sa iyong katawa't kaluluwa.
Read full article
Isang tanong at isang sagot lamang ang kailangan.
Kaya pa ba ng Pinoy?
Kaya natin basta't sama-sama. Kapit-bisig nating pagandahin ang ating kinabukasan. Hagkan natin ang muling pagsikat ng araw, at maniwala tayo na may liwang sa darating na bukas.
Naniniwala ako na sa gitna ng dilim ay may mga talang kumikislap-kislap. Nagniningning! at puno ng tanglaw na aagapay sa mga nangangapa sa dilim na nangingibabaw sa mundong ibabaw.
Ang tunay an Kapayapaan ay nasa puso. Puso ang nagdidikta ng Kapayapaan. Kung may pagmamahal sa kapwa ay madali mong matatanggal ang poot sa iyong damdamin at di na hahantong sa kaguluhan ang inyong gusot.
Itaas natin ang watawat ng lahing kayumanggi!, bandila ng Pagkakaisa at upang masilayan ang pinapangarap na KAPAYAPAAN.
Tayo mismo ang magpipinta ng kulay puting tela na sumisimbolo ng ating bansa.
Ang lahat ay magsisimula sa isang araw lang...
"Ngayon natin matatamo ang tunay na kapayapaan..."
#
